Mga Pahina

PRRD : Sinuman Ay Pwedeng Mag-imbestiga Sa Umano'y EJK Sa Bansa



Nanindigan si Pangulong Duterte na sinuman ay pwedeng mag-imbestiga sa umano'y extra judicial killings sa Pilipinas. Iyon ay reaksyon ng pangulo sa reklamong isinampa ng abogado ni Edgar Matobato sa International Criminal Court.

Binigyang diin ni pangulo na walang state sponsored killings sa bansa at kumikilos ang pamahalaan para panagutin ang unipormadong sangkot dito. Binweltahan din ng pangulo ang isang artikulo sa New York Times tungkol sa umano'y extra judicial killings sa Pilipinas.


"It's about time that their publication also must stop. Yung mga Amerikano is playing like the morals of you. They didn't even realize that they invaded a country in thy name of God" sabi ni Presidente Duterte.