Mga Pahina

PRRD : Sinuman Ay Pwedeng Mag-imbestiga Sa Umano'y EJK Sa Bansa



Nanindigan si Pangulong Duterte na sinuman ay pwedeng mag-imbestiga sa umano'y extra judicial killings sa Pilipinas. Iyon ay reaksyon ng pangulo sa reklamong isinampa ng abogado ni Edgar Matobato sa International Criminal Court.

Binigyang diin ni pangulo na walang state sponsored killings sa bansa at kumikilos ang pamahalaan para panagutin ang unipormadong sangkot dito. Binweltahan din ng pangulo ang isang artikulo sa New York Times tungkol sa umano'y extra judicial killings sa Pilipinas.


"It's about time that their publication also must stop. Yung mga Amerikano is playing like the morals of you. They didn't even realize that they invaded a country in thy name of God" sabi ni Presidente Duterte.

Mga Sundalo Dumadaan Sa Isang Masusing Background Check

Tiniyak ng pamunuan ng Arm Forces of the Philippines (AFP) na dumadaan sa masusing background check ang mga sundalong nagseserbisyo sa ating bayan.


Kaugnay ng pagkakatuklas ng relasyon ng isang pulis at miyembro ng abu sayaff, tiniyak ng Arm Forces of the Philippines na nananatiling matatag ang kanilang organisasyon at malayo sa mga bawal na relasyon. Mabusising background check ang pinagdadaanan ng bawat sundalong nais magsilbi sa bayan at di ito natatapos kahit sila ay nasa serbisyo na.

"Kapag nasa mga sensitive positions and units, you have to undergo partial background investigation and full  background investigation depending on the position, sabi ni Gen. Eduardo Año, AFP Chief of Staff.


Sabi ni Gen, Año posibleng naging lapses ng PNP na ang background check ng bawat papasok sa trabahong ito ay existing na. Dahil dito, maiiwasan ang paglabas ng confidential na impormasyon at operasyon mula sa mga intel units ng AFP at masiguro ang katapatan ng bawat sundalo. Sa katunayan, gaya ni police Superintendent Maria Cristina Nobleza mayroon din mga sundalo na nagbalik-Islam ngunit patuloy parin ang serbisyo,

Ang malaking rebelasyon ng magkarelasyon na pulis at terorista ay isang babala alarma upang mas pag-igtingin pa nila ang kanilang pagbabantay at imbestigasyon sa buong Hukbong Sndatahang Lakas ng Pilipinas.

Ini-embistigahan naman ang mas malawak na koneksyon ni Nobleza sa teroristang grupo ng abu sayaff.

Genaral Bato dela Rosa Nagbabala Sa Mga Pulis Na Nakikipag-ugayan Sa Mga Kalaban

Patuloy pa rin ang imbestigasyon nang PNP sa relasyon ng isang pulis na si police Superintendent Maria Cristina Nobleza  sa isang Abu Sayaff bomb expert na si Reneer Lou Dongon.


Sabi ni PNP Chief Ronald dela Rosa, titiyakin nyang hindi makokompromeso ang mga impormasyon hinggil sa abu sayaff na kinabibilangan ng nobyo ni Nobleza. Kasunod nito nagbabala si dela Rosa sa mga pulis na nakikipag-ugnayan sa kanilang mga kalaban.


"We don't want to have another Nobleza. It is a mortal sin na makipagrelasyon ka sa mga kalaban. Hindi ko matanggap-tanggap yan. Magtrabaho ka against sa kalaban, pero kung ang trabaho mo ay pasukan ng affairs of the heart at may personal attachment na, most likely ang loyalty mo ay magshishift" sabi ni General Ronald dela Rosa.

Si Nobleza at Dungon ay nahuli ng mga pulis at army sa Clarin, Bohol matapos nagtangkang irescue ang mga natitirang ASG members na nakikipagbakbakan sa mga otoridad sa mga oras na iyon.