Mga Pahina

Mga Sundalo Dumadaan Sa Isang Masusing Background Check

Tiniyak ng pamunuan ng Arm Forces of the Philippines (AFP) na dumadaan sa masusing background check ang mga sundalong nagseserbisyo sa ating bayan.


Kaugnay ng pagkakatuklas ng relasyon ng isang pulis at miyembro ng abu sayaff, tiniyak ng Arm Forces of the Philippines na nananatiling matatag ang kanilang organisasyon at malayo sa mga bawal na relasyon. Mabusising background check ang pinagdadaanan ng bawat sundalong nais magsilbi sa bayan at di ito natatapos kahit sila ay nasa serbisyo na.

"Kapag nasa mga sensitive positions and units, you have to undergo partial background investigation and full  background investigation depending on the position, sabi ni Gen. Eduardo Año, AFP Chief of Staff.


Sabi ni Gen, Año posibleng naging lapses ng PNP na ang background check ng bawat papasok sa trabahong ito ay existing na. Dahil dito, maiiwasan ang paglabas ng confidential na impormasyon at operasyon mula sa mga intel units ng AFP at masiguro ang katapatan ng bawat sundalo. Sa katunayan, gaya ni police Superintendent Maria Cristina Nobleza mayroon din mga sundalo na nagbalik-Islam ngunit patuloy parin ang serbisyo,

Ang malaking rebelasyon ng magkarelasyon na pulis at terorista ay isang babala alarma upang mas pag-igtingin pa nila ang kanilang pagbabantay at imbestigasyon sa buong Hukbong Sndatahang Lakas ng Pilipinas.

Ini-embistigahan naman ang mas malawak na koneksyon ni Nobleza sa teroristang grupo ng abu sayaff.